Mga isang taon pa lang direktor ng aking yunit si Dr. Roberto C. Pagulayan (http://www.nib.upd.edu.ph/faculty/rcp.html). Nagtataka nga ako at bigla siyang naglaho ngayong semestre.
Ayon sa ikalawang isyu ng Kule ngayong 2006 (http://www.deviantart.com/download/35123719/), siya ay sinuspinde dahil sa panghihipo at pagsasalita ng kabastusan sa isang estudyante. Ang kapal niya upang sabihing inosente siya! Ang ibig niya bang sabihin ay mas sinungaling pa ang mga hamak na estudyanteng tulad ko kaysa sa mga pakulting tulad niyang nasa kapangyarihan na? Malaking kabalintunahan!
Nakakahiya siya. Siya pa naman ang pinuno o direktor ng institusyong kinabibilangan ko, ang Instityut ng Pag-aaral ng Buhay (Institute of Biology).
Ang laki naman niyang tanga. Sobrang libog siguro niya. Kahit pala may Ph.D. na ang isang tao ay posible pa rin siyang mapasuko ng tawag ng laman. Kung ako sa kanya, kung manghaharas ako, hindi ako papahuli.
Kung ako naman sa biktima, isasagad ko na ang aking pagrereklamo upang tuluyang makapagbayad ng kanyang malaking utang iyang si Pagulayan. Medyo 'big time' kasi siya. Aasamin at pagsisikapang kong makuha ang pinakamalaking anyo ng hustisyang maaari kong makamtan.
Nananabik tuloy ako sa paparating na Bio Majors' Day sa ika-16 ng Agosto, 2006. Magsasalita kaya sila (ang mga kapwa niya pakulti) tungkol sa isyung ito? Sa aking palagay, hindi. Mas matindi ang malasakit nila sa kapwa guro kaysa kanilang mga mag-aaral.
Saturday, July 29, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment