Sunday, March 04, 2007

Darna

Tila birhen kung lumipad
Nahulog sa bangin
Ako'y napaungol
Sa dalagang nababalot ng wala

Mapapansin ka ba
Sa dami ng 'king ginagawa
Kung kaagaw mo ang lahat
May pag-asa bang makaresling ka

Awit na nangingisay
Baka sakaling nakamamatay
Galit na palaisipan
Sa 'yo na lang iraraos

Nag-aabang, parang sa counter
Sa mga damo sumisilip
Sa likod ng mga puno
Kahit tsansing lang Darna

Ang malas nga naman ni Ding
Lagi ka niyang kasiping
Kung ako lang sa kanya
Kinatay na kita

Mapapansin ka ba
Sa dami ng 'king ginagawa
Kung kaagaw mo ang lahat
May pag-asa bang makaresling ka

Awit na nangingisay
Baka sakaling nakamamatay
Galit na palaisipan
Sa 'yo na lang iraraos

Nag-aabang, parang sa counter
Sa mga damo sumisilip
Sa likod ng mga puno
Kahit tsansing lang Darna

Tumalon kaya ako sa hangin
Para lang makatakas
Saydang ito ang paraan
Para maiwasan ka

Darating pa rin
Kahit maraming ginagawa
Kung kaagaw mo'y marami
Paano na?

Awit na nangingisay
Baka sakaling nakamamatay
Galit na palaisipan
Sa 'yo na lang iraraos

Nag-aabang, parang sa counter
Sa mga damo sumisilip
Sa likod ng mga puno
Kahit tsansing lang Darna

Nag-aabang, parang sa counter
Sa mga damo sumisilip
Sa likod ng mga puno
Kahit tsansing lang Darna

Tala: Wala lang. Ang sarap maglaro ng mga salita. Matagal ko na talagang ninais ang gawin ito. Mula ito sa kantang "Narda" mula sa album na Maharot ng bandang Kamikazee.

Kamalian

Nagsisimula na akong magsawa sa kadedepensa sa aking sarili. Alam kong hindi ito maganda. Kaugnay nito, kailangan kong magsatupad ng counter-measures. Iwas-bangag. Tulog ng maaga. Dapat magkaroon ng konkretong direksyon ang aking mga prioridad: ang aking sarili, pamilya, karir, kaibigan at magiging pamilya. Ang pagkakaroon ng mission-vision ay isa sa mga ito.

Berdugo

Pasensya ka na sa nagawa kong desisyon. Kahit na papaano, alam kong apektado ka nito. Hindi ko alam kung ano ang dahilan, pero nagigilti ako sa hindi ko pagpabor sa iyo. Mahirap ang naging desisyon ko. Hanggang ngayon, may bahid pa rin ng kakulangan ng hustisya. Isang buong taon, tila nabaliwala. Haay. Umasa kasi ako, kahit papaano, na papabor sa iyo ang iba, ang karamihan. Nagkamali ako. Para saan nga ba ang ginawa namin? Kung eksaktong-eksaktong sa eksaktong pamantayan, bakit pa namin iyon gagawin? Nasa kontrol ako sa sitwasyon, bagaman bahagya'y mayroon pa rin. Ang lahat ng ginawa ko ay para sa ikabubuti ng samahan at sa interes na rin mo. Kasi kung gusto mo talaga iyon ng ganoon kasama, hindi lang ganoon ang sana'y naging perpormans mo. Hindi ko na babanggitin kung sino ka (at mga kasama mo), alam mo na naman e. Pero kung talagang gusto mo talaga ito at ang tumuloy kalaunan sa kurso sa pagkadoktor sa medisina, malakas ang payo ko na subukan mo uli sa susunod na taon. Sadyang malaki ang naitulong ng naturang samahan sa aking buhay at sa paggabay sa akin tungo sa tamang-daan. Hindi siya pabigat at hindi siya dapat maging hadlang sa direksyong pang-akademiko. Matuto ka sa iyong mga naging pagkakamali.