Sunday, March 04, 2007
Berdugo
Pasensya ka na sa nagawa kong desisyon. Kahit na papaano, alam kong apektado ka nito. Hindi ko alam kung ano ang dahilan, pero nagigilti ako sa hindi ko pagpabor sa iyo. Mahirap ang naging desisyon ko. Hanggang ngayon, may bahid pa rin ng kakulangan ng hustisya. Isang buong taon, tila nabaliwala. Haay. Umasa kasi ako, kahit papaano, na papabor sa iyo ang iba, ang karamihan. Nagkamali ako. Para saan nga ba ang ginawa namin? Kung eksaktong-eksaktong sa eksaktong pamantayan, bakit pa namin iyon gagawin? Nasa kontrol ako sa sitwasyon, bagaman bahagya'y mayroon pa rin. Ang lahat ng ginawa ko ay para sa ikabubuti ng samahan at sa interes na rin mo. Kasi kung gusto mo talaga iyon ng ganoon kasama, hindi lang ganoon ang sana'y naging perpormans mo. Hindi ko na babanggitin kung sino ka (at mga kasama mo), alam mo na naman e. Pero kung talagang gusto mo talaga ito at ang tumuloy kalaunan sa kurso sa pagkadoktor sa medisina, malakas ang payo ko na subukan mo uli sa susunod na taon. Sadyang malaki ang naitulong ng naturang samahan sa aking buhay at sa paggabay sa akin tungo sa tamang-daan. Hindi siya pabigat at hindi siya dapat maging hadlang sa direksyong pang-akademiko. Matuto ka sa iyong mga naging pagkakamali.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment