Monday, August 28, 2006
Hinudas ko si Rizal
Kaninang umaga, papunta akong UP. May piso sa sahig. Nagdalawang-isip akong kunin dahil iyon ay nasa tabi ng paa ng isang taong nakaupo--anlaki ng hita ng mama. Hindi ko na tinuloy ang balak kong iligtas si Laong Laan. Lumapit na ang bus namin sa aking babaan. Sa huli, umalis ako sa aking upuan. Hindi umalis ang mama sa kanyang kinalagyan papuntang upuan ko. Ibang mama ang lumipat; siya ay payat. Hindi ko na naituloy ang pagliligtas ko kay Rizal mula sa behikulo. Trinaydor ko siya. Hindi ko alam kung gustong niya rin namang siya'y aking iligtas. Desidido na siyang magpakabayani at mamatay bilang bayani. Wala siyang pakialam kung saan siya lalagay, sa kaliwa o sa kanan. Para sa kanya, pareho lang kaming gahaman ng mama. Mukhang pera. Hindi siya busilak na simbulo ng isang bayani. Hindi naman ako nasyonalista. Hanggang sa muli nating pagkikita, mga ligaw na barya, este mga bayani pala. Nawa'y muli kayong magpakita o magparamdam sa akin sa kalsada, sa eskinita, o sa anumang sulok ng Pilipinas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment