Sunday, August 20, 2006

Paningin

Ang paraan sa pagtingin sa isang bagay ay mahalaga. Bilang halimbawa, tingnan natin ang tunggalian ng pagpipigil at pagpapadaloy. Pipigilan ko ba ang aking nadarama o hahayaan kong kontrolin ako nito? Ang sagot diyan ay madali:
Pipigilan ko ang aking sarili sa paggawa ng hindi tama. Ako ay magtitiyaga upang magkanilaga. Iisipin ko kung ano talaga ang gusto ko sa aking buhay sa darating na 25 taon.
Alam ko na ang kasagutan. Mahina lang talaga ang aking loob. Kailangan kong magpalakas, magpakatalino at magpakatino. Para sa aking sarili. Una at higit sa lahat, para sa aking sarili lamang. Susunod na roon ang para sa ibang tao. Dapat kong mahalin ang aking sarili--yaong tunay na pagmamahal. Hindi yaong payak na pagsunod sa layaw ng aking katawan. Nararapat lamang na isama ang kalusugan ng aking isip. Ito naman ay apektado ng estado ng aking katawan. Sa inyong nakakita na sa akin, alam niyong hindi ako malusog. Mataba ako. Masama ang loob ko rito. Masarap kumain. Sana maintindihan niyo iyon. Huwag niyo akong basta-basta husgahan ng kung anu-ano dahil tiyak na magagalit ako sa inyo. Dapat ko ring ikondisyon ang aking sarili ukol dito. Hahabaan ko ang aking pasensya.

No comments: