Sunday, January 28, 2007

Maria

* Ate, patawad po sa pagsasalita ko ng basura laban sa iyo. Ako ang may kasalanan kung bakit nasira yung dagang optikal ko. Ang babaw talaga. Bumili naman ako ng pampalit mula sa CD-R King.
* Hindi kailangang parating bago ang regalo.
* Kakainis talaga yung nangyari kanina sa Novaliches. Nagparinig yung tita ko tungkol sa hindi ko paniniwala na may Diyos. Kung mayroon lang sanang silahis ng pag-asang maiintidihan niya ako, idinepensa ko sana yung sarili ko at ang aking mga paniniwala. Nakakainis talaga kasi naroon pa yung pamilya ko at mga pinsan. At bakit nangyari ang lahat ng ito? Dahil sa tatay ko. Siya ang nagkwento sa tita ko na ateista ako. Sabi niya hindi ko dapat itago iyon at maiintidihan naman daw ako nito. Pero dati pa namin alam na sarado Romano Katoliko itong tita kong tumulong ng malaki sa pagbibigay sa amin ng suporta pinansyal. Ang gusto lang naman talaga ng tatay ko ay yaong hindi ko/namin itago ang katotohanan sa tita ko (na ateista ako). Ang punto ko naman ay hindi ko naman ikinakaila iyon. Mas okey nga lang kung hindi namin siya gabayan tungo sa pagkakaalam noon. Sa sama ng loob ko, naging tulala ako sa malaking bahagi ng aming pagdalaw. Dinaan ko na lamang ang aking sama ng loob sa paglamon ng pansit, ang paborito kong ulam. Medyo gago nga ako kasi halatang masama yung loob ko at hinid ako sumagot kahit na kinausap ako.

Monday, January 22, 2007

Lipas

Pasensya na
Pasensya na't minahal kita
Minahal kita ng labis
At labis mo 'kong sinaktan
Masakit isipin
Sumama ang loob ko
 magmula noong araw na iyon
 hanggang sa ngayon
Ang araw na 'yong ipinamukha
 sa 'king wala
Wala 'ko sa 'yong pag-asa
Na hindi mo 'ko mahal
Ibang lalaki ang nasa puso mo
Hindi ako
Bakit?
Kung bakit ba kasi nagawa
 kitang takutin at saktan
Ako mismo ang naglayo ng loob
 mo sa 'kin
Kung maibabalik ko lang
 ang nakaraan
Inayos ko sana ang gulong ako
 ang nagsimula
Ngunit sa ngayo'y huli na
 ang lahat
Tadhana ang nagpakitang
 ako ay isang duwag
Hindi ako karapat-dapat sa 'yo
Hindi tayo karapat-dapat
 sa isa't isa
Tumigil ang daloy ng panahon
Halos sinira ko ang aking sarili
 dahil sa galit
Sinayang ko ang oras
 sa kaiisip sa 'yo
Kahit na sigurado akong
 ni isang saglit ay
 'di ako sumagi sa isip mo
Suko na ako sa labang ito
Maging wala sa 'tin ang nagwagi
Ito ang unang malaking
 kabiguan ko
Nangyari sa palad mo
Siguro hindi ka pa rin masaya
Kahit na nakaganti ka na
Marahil dahil 'di mo 'to alam
Wala na 'kong pakialam
Hindi ko na mithiing
 paligayahin ka
Lipas na tayo

Tuesday, January 16, 2007

Buhay Slavehack

Ang buhay ay parang Slavehack (isang hacking game). Tayong lahat ay mga kompyuter. Sa ating mga interaksyon ay hinahack natin ang bawat isa. Maraming tao ang garapalan sa pakikipagkilala habang ang iba naman ay sobrang mahiyain. Sa mabuti man o masamang intensyon ay nag-iiwan tayo ng marka sa ibang tao: virus. Ang iba sa atin ay may kakayahang tanggalin ito sa pamamagitan ng anti-virus, ngunit ang iba ay mas pinipiling hayaan ito sa kani-kaniyang mga sistema. Ang marka ay maaaring seryoso (spam) o hindi seryoso (warez). Importante ang mga maralita at mga taong magagago upang sila'y iyong maabuso at pagkaperahan (slaves). (Patama ito sa sobrang kuripot at hindi makatao kung magtrato sa mga manggagawa/katulong.)

Kapag ang isang tao ay napuno na, maaari siyang gumawa ng isang krimen laban sa kanyang kapwa (DDoS attacks). Ito ay lubos na nakapaparalisa sa kanyang kaaway, lalo na kung ito ay grabe at maramihan.

Upang umakit ng maraming mga may kwenta o kapaki-pakinabang na mga kaibigan, kailangang magkaroon ng pinakabago at pinakamataas na mga kasangkapan (software at hardware). Mahalaga rin ang mga matitinong koneksyon (internet connection) at dambuhalang tambakan (harddrive). Mayroon din namang ikalawa at ikatlong pagkakataon sakaling magkamali (external harddrive, banks, ip resets). Ang pinakamahalagang gawain ay ang magkamal ng pera at reputasyon.

Wala na

'Malaking pagkakamali. Napakalaking pagkakamali na ako ang inibig mo, sinasabi ko!' -- sinabi ng dati kong kamag-aral sa aking kaibigan

Mapapaputang-ina ka talaga kapag binasted ka ng isang babae. Oo, babae. Ngunit ang naturang babae ay hindi lang basta-basta--siya ay ang binibining tinitibuk-tibok ng iyong puso.

Wednesday, January 10, 2007

Med tip

Applying to med schools? Yes. Best tip I got: Be a doctor. (Be doctor-like.) Makes sense to me.