Ang buhay ay parang Slavehack (isang hacking game). Tayong lahat ay mga kompyuter. Sa ating mga interaksyon ay hinahack natin ang bawat isa. Maraming tao ang garapalan sa pakikipagkilala habang ang iba naman ay sobrang mahiyain. Sa mabuti man o masamang intensyon ay nag-iiwan tayo ng marka sa ibang tao: virus. Ang iba sa atin ay may kakayahang tanggalin ito sa pamamagitan ng anti-virus, ngunit ang iba ay mas pinipiling hayaan ito sa kani-kaniyang mga sistema. Ang marka ay maaaring seryoso (spam) o hindi seryoso (warez). Importante ang mga maralita at mga taong magagago upang sila'y iyong maabuso at pagkaperahan (slaves). (Patama ito sa sobrang kuripot at hindi makatao kung magtrato sa mga manggagawa/katulong.)
Kapag ang isang tao ay napuno na, maaari siyang gumawa ng isang krimen laban sa kanyang kapwa (DDoS attacks). Ito ay lubos na nakapaparalisa sa kanyang kaaway, lalo na kung ito ay grabe at maramihan.
Upang umakit ng maraming mga may kwenta o kapaki-pakinabang na mga kaibigan, kailangang magkaroon ng pinakabago at pinakamataas na mga kasangkapan (software at hardware). Mahalaga rin ang mga matitinong koneksyon (internet connection) at dambuhalang tambakan (harddrive). Mayroon din namang ikalawa at ikatlong pagkakataon sakaling magkamali (external harddrive, banks, ip resets). Ang pinakamahalagang gawain ay ang magkamal ng pera at reputasyon.
Tuesday, January 16, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment