Lubos na makapangyarihan ang wika. Ito ay sumasalamin sa lebel ng karunungan ng isang kultura. Kung may o maraming salita para sa isang bagay, ibig sabihin ay mahalaga o talamak ito sa naturang pangkat ng mga nilalang. Dahil sa napansin ko na mukhang mahilig ang mga Pilipino sa mga kanta ukol sa pag-ibig, naisip kong tingnan ang 'maitim' na kasingkahulugan nito: ang salitang "libog". (Kahit na sa mga matatandang kantang kundiman, mapupunang 'cheesy' talaga tayo.) Heto na po:
libog: utog, iyag, lanya
iyag: pagkaseksi, halay
halay: sagwa, laswa, bastos, bulgar
sagwa: gaslaw, gaspang, labis
laswa: tungayaw, lapastangan
bastos: garapal, mumurahin
bulgar: palasak
gaslaw: harot, likot, karatsa
gaspang: ligasgas
Saturday, February 10, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment