Tuesday, August 15, 2006

Bayolohiya

Pabago-bago ako
Dati, galit ako sa 'yo
Pero ngayon, 'kaw na lang ang aking sandigan

Hindi pala ikaw ang aking kaaway
Hindi ako magaling makipaglokohan
Hindi ako bihasa sa pagpapanggap

Kaalaman
Hindi nagbabago
Hindi nanloloko

Mahirap iasa ang kaligtasan sa pagsasaya
Sa paglalaro
Sa walang kabuluhan

No comments: