Saturday, November 25, 2006

Masamang pangitain

Mga ilang araw na ang nakalipas, napanaginipan kong kinasal ka--hindi sa akin kundi sa ibang tao. Pagkagising ko, tila bangungot. May lihim pala akong gusto sa iyo. Naiilang kasi ako dahil magaling ka. Pero kung sakaling mapunta ka sa iba, masama pala ang madarama ko. Humahanga ako sa mga magaganda, sa ngunit mas matindi ang paghanga ko sa mga matatalino. Hindi ko sinasabing hindi ka maganda, pero marahil ganoon na nga. Tiyak lang ako na hindi ka pangit para sa akin. Lihim na pagtingin, iyan ang susing salita. Isa itong palaisipan, tingnan natin kung mayroong makakuha ng sagot. Pwede kayong humingi ng susundan ninyo mula sa akin.

No comments: