Friday, July 28, 2006

Masarap

Hindi ko lubos maisip kung paano magiging masarap ang isang babae. Hindi ko rin maisip kung paano magiging masarap ang sinumang tao. Hindi naman kinakain ang mga tao. At malamang hindi rin masarap ang tao kung sakaling makatikim ako. Kasiping? Masarap kayang kasiping si 'pangalan ng isang babae rito'? Hindi na kailangan noon. Sapat na ang imahinasyon kung layaw lang ng kalibugan ang susundin. Sa ngayon, makikipagtalik lamang ako para sa susunod na salinlahi. At sa ngayon, wala akong sapat na pamamaraan upang bumuhay ng isang pamilya. Mamumulubi lang kami at mapipilitang magbenta ng laman. Kung sa gayon, higit kong nanaising huwag na lamang mag-anak.

No comments: