Wednesday, July 12, 2006

Uy, ang ganda!

Ang ganda ng babaeng kasama ko sa larawan, hindi ba? Ito ay para sa UP PMHS sigsheet. Kinuha ko ang orihinal na imahe sa Flickr. Umakma ako upang bumagay sa kanya. Ang kasama niya talaga ay isang plastik na pigura ni Prince Eric ng "The Little Mermaid". Kinuhaan ako ng letrato ng aking ate; siya rin ang nagbagay sa aming dalawa. Nahuli nga ako sa pagpasa nito kay Kevin, aking kasamahan sa organisasyon, ng apat na araw. Wala daw anuman dahil maganda na naman daw ang aking binigay sa kanya.

No comments: