'Tcha. 'Tchang 'na mo.
Ang nangyari: Tinanong niya sa akin kung nakita ko/nasa 'kin yung libro niya. Sabi ko hindi. Umakma siyang titingin sa bag ko. Hinayaan ko siya. 'Pagkabukas ng bag ko ay nakita naming dalawa na naroon. Pinagbintangan pa niyang magnanakaw 'ko.
Hindi ko alam kung paano punta iyon sa mga gamit ko. Pero malansa ang nangyari. Nung nilapitan niya ako, nabakas ako na siguradong-sigurado siya na nasa akin iyon. Putang ina mo. Ano ba ang poynt mo? Obyus namang itinanim mo lang iyon 'dun. Anong gagawin ko sa dalawang Bio 132 lab manual? 'Kaw siguro tunay na magnanakaw. Nawala kaya yung lab exercise ko sa 33-hour chick embryo na aking iniwan sa lalagyan sa pintuan ni Ma'am MLCdeGuzman. Pinagawa tuloy ako ng bago. Bisi pa naman ako noong mga panahong iyon. Shet ka.
'Tang na mo! Nabasa mo lang ang mga blag ko, kala mo pwede mo na akong husgahan! Maaaring napakamateryalista at makamundo ko, pero patuloy pa rin ako sa pagkilala sa kahalagahan ng katotohanan. Ang totoo nga 'yan ay umamin ako ng aking nadamang pagkiling sa pakikipagkaibigan sa isang babae sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo kong pangalan. Masasabi kong isa ito sa aking mga big mubs sa buhay ko. Kaunti lang siguro sa nakakikilala sa akin na sa all-boys skul (La Salle Greenhills) ako nag-aral ng mga 10 taon. Ang hirap 'non, lalung-lalo na noong nakapagtapos ako ng hayskul at nakatuntong sa UP Diliman. Parang biglang nagbago ang mundo ko dahil naoberwelm ako sa dami ng babae. Noong mga unang buwan sa aking pamamalagi sa naturang institusyon, marami akong naging krash, at isa na nga ang binibining nabanggit sa itaas.
Hanggang doon na muna kasi baka may mailagay na naman ako ritong maaaring makapagpahamak sa aking o 'di kaya'y makapaglagay sa akin sa isang masamang posisyon. Heto lang ang nowt ko sa gustong mapabilang sa gud at nyutral sayd ng pagtingin ni Joel: "Huwag niyo akong pagbibintangan, lalung-lalo na kung hindi kayo siguradong gilti ako. Kung hindi, baka kung ano pa ang magawa kong hindi kanais-nais o karumaldumal sa inyo."
Sunday, October 15, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment