Sakim ang mga nabaBio 160. Ayaw magbigay sa kapwa kamag-aral. Ayaw mag-eksamen sa ganito, ganyang araw. Nainis tuloy si DALagunzad; hindi na niya pinospon ang aming eksaminasyon--nagtest kami kanina. Sayang, nakondisyon na kasi ang aking utak na pospond na ang eksam. Haay! Anlabo nga at alis, balik, alis, balik kami kanina--IB 104, PH 4205, IB 104, IB labi, IB 104. Hindi pa naman ako handa sa eksam. Umasa na lang ako sa multipol choys na 48/60. Ang esay ay 3/60 at ang grapikal na representasyon o matimatika na pagkakatulad ay 9/60. Mag-aano sana, ano: grup test. Kaya nga lang ay nagbak-owt kami. Siguro ito ay dahil:
1. Ayaw na naming kumuha uli (ng test).
2. Walang tiwala ang nakakarami sa amin (sa aming grup meyts).
3. Nahawa kami sa papalit-palit na pag-iisip ni DAL.
Siya nga pala, gusto kong ikwento yung tungkol sa berd ni Jim--yaong parakeet na lalaking dinala niya. Nagdala siya ng ibong para ihandog sa isang chick. Gets? Kung nakasagi ako ng berd keyg, may ibon man o wala sa loob nito, magpapaumanhin ako at babalikan ko ito para ayusin. Hindi ko nakita yung nahuli kanina. Hindi ako sigurado kung gagawin ko rin ang ayos, ang nararapat.
Friday, October 06, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment