Gusto kong anuhin yung entiti. Alam mo na iyon. Halimbawa, masarap yung pagkain, masarap kainin. Gusto kong lantakan yung masarap na pagkain. E pa'no kung hindi iyon sa akin? Iyon pala ay pag-aari ng ibang tao. Anong gagawin ko? Iiwan ko na lang ba iyong pagkain? Kung gayon, hindi na didikit o dadampi sa aking mga labi yung pagkain. Hindi ko na siya maamuy-amoy ayon sa aking layaw. Nariyan siya pero hindi ko siya maaaring galawin. Nariyan, nasa aking harapan ang isang resors pero hindi ko ito maeksployt o mapakinabangan. Kahit na kakarampot na bahagi nito ay hindi para sa aking pagkonsumo. Nakalulungkot, sadyang nakalulungkot ang buhay. E kung nakawin ko na lang kaya? Tapos kung nasa tagong lugar na kami ay doon ko siya pagparausan? Hindi ko alam.
Ang katotohanan ay tanging mga pisikal na mga bagay lang ang pwedeng ariin. Mga bagay lamang ang maaaring kasangkapanin. Sa madaling sabi, hindi ko pag-aari ang aking kasintahan, hindi ko pag-aari ang asawa ko, hindi ko pag-aari ang anak ko, atbp. Kaugnay nito, ano kaya ang sunod sa pag-aari? Ang pagpayag o consent sa pamamagitan ng isang kasunduan. Hindi ko maaaring pilitin ang akin partner na makipagtalik sa akin (lalo na kung ayaw niya), pero makakamtan ko ang aking nais kung kusa ko siyang mapahinuhod. Consent/Consentia/Konsensya, tila tanging tao ang mayroon nito. Sa aking palagay, hindi ito namamana. Ito ay unang natututunan sa panahon ng kabataan hanggang sa matyurasyon. Para itong kultura sa proseso ng pagkakatuto rito--kung ano ang pagtingin sa katamaan o kamalian ng mga bagay-bagay at pagkilos. Ang konsensya ay ang bahagi ng tao na nagkoconsent o hindi nagkoconsent sa mga balakin ng nagmamay-ari nito.
Hindi na mabibilang ang mga sandali sa aking buhay kung saan ninais kong gumawa ng masama sa aking kapwa. Gayunpaman, ang bawat tangka ay hinarangan ng aking konsensya. Sa totoo lang, hindi ako takot na gumawa ng masama. Takot ako na sa aking paggawa ng masama para sa aking ikabubuti ay mayroong makahuli sa akin. Takot ako sa parusang makakamtan sa aking pagiging deviant.
Grabe, pakiramdam kong mababaliw na ako dahil sa naiiba ang aking pag-iisip sa nakararaming tao. Ang hirap maiba. Ang hirap malamang ang katotohanan bilang pioneer. Ang hirap noong malaman kong walang Diyos, walang demonyo, walang anghel, na tao ang lumikha sa Diyos at iba pang mga nilalang na supernatural.
Wednesday, October 25, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment