Ang galing! Kakapansin ko pa lang na dalawa pala ang pwedeng kahulugan ng salitang pamimili. Ang una ay yaong ginagawa sa palengke. Ang ikalawa naman ay yaong ginagawa sa ating pang-araw-araw na buhay: ang mamili ng desisyon. Wala akong ideya kung ano sa dalawang mga gawain na ito ang nauna sa naturang depinisyon at ano ang sumunod lamang. Pero sa tingin ko, nauna ang pumapatungkol sa gawaing sa pang-araw-araw na buhay.
Mayroon akong napagnilay-nilayan: Ang pagpili ng mga desisyon sa buhay ay parang pamimili sa palengke. Ang buhay ay parang palengke. Ito ay magulo. Araw-araw, mayroong tayong mga pangangailangan na siyang kailangan nating pagpursigihan at pagkagastusan. At sa araw-araw, may nakalaang pondo na dapat nating ibadget upang ito'y magkasya. Kung hindi ito magkasya, pwede tayong magtiis muna o 'di kaya ay mangutang. Subalit dapat nating isaisip na ang panghihiram ng salapi ay isang espadang dalawa ang talim. Kung hindi tayo magiging maingat sa paggamit nito, maaaring lubos tayong maghirap dahil dito sa pamamagitan ng interes. Kung sakaling wala namang interes ang pautang, huwag ka pa rin magsasaya. May interes pa rin ito sa anyo ng utang ng loob. Kung sakaling nagkaroon ka na ng utang ng loob, dapat mo itong kilalanin. Datapwat, hindi ito kailanman o dapat na mangahulugan ng pagtutulak sa isang sulok ng iyong mga prinsipyo sa buhay.
Ang buhay ay puno ng mga manloloko at mga gahaman, tulad sa isang palengke kung saan may mga sinungaling at madayang mga manininda, snatster na mahirap, hasler na mahilig mangulimbat, batugan na tamad, lamon ng lamon na mukhang pagkain, patay-gutom na buhay pa rin, tambay na walang magawa, lasinggero na walang pambili ng tubig, nagsisigarilyo na nilalason ang kapaligiran, manyak na mahilig sa seks, raypis na hindi kuntento sa pagjajakol, mamamatay-tao na ayaw hayaang mabuhay ang iba, mamamatay-ipis -daga -pusa atbp., palaboy na walang sarili matitirahan, ulila na iniwan sa hindi pa takdang panahon ng kanilang mga magulang, batang malilikot na dapat parusahan sa sobrang kaingayan, matandang nabubulok na ang tanging iniintay na lamang ay ang sandali ng kanilang kamatayan, magsasakang api, mangingisdang mahilig sa katubigan, mangangalakal na mukhang pera, propesyunal na gayon din, atbp.
Haay, buhay! Masalimuot. Walang gaydbuk o syortkat. Ang pinakamagaling na guro ay ang karanasan. Pwede kang magpatulong pero hindi tumpak na pagbasehan ang karanasan ng iba. Gayunpaman, huwag kang matakot na magkamali ngunit matakot kapag minaliit mo ang iyong sarili.
Ang daldal ko 'no? Pasensya na po, ganyan kasi sa palengke e. Sa sobrang ingay, hindi na kayo magkarinigan. Okey lang iyon. Basta maging mapagmatyag ka lang kasi baka umabot ang panahon kung saan hindi mo na marinig ang lahat, maging ang iyong sariling mga boses, ang iyong konsyensya at opinyon. Dahil kung nagkagayon na ay siguradong hindi ka na nag-eeksis.
Saturday, October 28, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment