Tuesday, September 19, 2006

Iba-iba

Ang aking katanungan: Ang lahat ba ay may dahilan? Ipaliwanag.
Magkakaibang tao ang nag-aaplay sa organisasyon. Iba-iba rin ang pamamaraan nila sa pagsagot ng sigsheet. Ito ang bahagyang listahan:
- ordinaryo
- kakaiba
- seryoso
- hindi seryoso
- sumasagot ayon sa sarili
  - gamit ang utak
  - gamit ang 'puso'
- hindi sumasagot ayon sa sarili
  - walang tiwala sa sarili
  - sadyang tamad

Sa kasalukuyang mukhang nakararami sa kanila ang naniniwalang lahat, mga bagay at pangyayari, ay may kaniya-kaniyang dahilan. Parang nalilito rin sila sa aking katanungan. Ikinakabit ng iba ang relihiyon o paniniwala sa kanilang pagsagot.

No comments: