Saturday, September 30, 2006

Lakas ng Milenyo

Dumaan si Milenyo. 'Kay rami niyang pinerwisyo, lalung-lalo na sa Katimugang Tagalog at NCR. May kuryente na. At ang araw ngayon ay Sabado. Nakakalungkot nga at walang kuryente noong Miyerkules at Biyernes. Hindi ako nakapaglaro ng kompyuter. Hindi rin ako nakapag-aral dahil wala ngang ilaw. Sinubukan kong gumamit ng kandila pero hindi ako tumagal ng isang oras, sumakit po ang aking mga mata! Meralco. Dapat kumpiskahin na iyan ng pamahalaan. Sana nga lang at totohanang nakapagpahinga ako. Balik na ako sa katotohanan--ang aking buhay na maraming ginagawa. Muntik na akong mabaliw. Muntik na rin akong masanay na walang kuryente. Okey lang sa akin kung wala nito. Pero aaminin kong lalo pang mahuhuli ang Pilipinas sa pang-ekonomikong karera kung hindi na bumalik ang kuryente sa madaling panahon. May napagnilay-nilayan akong mahalaga: Isang tunay na pangulo si PGMA. Maaaring hindi malinis ang pagkakapanalo niya. Wala na akong pakialam dito. Hindi na ako aydiyalista. Nasabi kong tunay siyang pangulo at lider dahil mayroon siyang presens of maynd. Hindi siya napapapanik sa panahon ng sakuna o suliranin. Matatag siya, 'sing tatag ng republikang pinamunuan niyang itayo sa pamamagitan ng mga matataas buwis. Sa isang pagtingin, siya ay ang ating ina, siya ay si Sisa ni Jose Rizal ngunit hindi siya nabaliw dahil sa mga masalimuot na mga pangyayari sa kanyang buhay. Bagkus, siya ay lumakas at ngayo'y simbolo ng makibagong pakikibaka ng matapang na Pilipino. Tunay siyang matatawag na Lakas ng Milenyo!

No comments: