Wednesday, September 27, 2006

Una

Ito ang unang pagkakataong sumama ako sa field para sa SP namin sa Bio 160.
Ito rin ang unang pagkakataon na:
1. Nadulas ako pagkatapos ng Makiling field work namin sa naturang asignatura.
2. Lumusong ako sa International Center pond para makuha ang periphyton sample namin na nahulog sa ibabang bahagi ng katawan ng tubig dahil ito ay di-umano'y pinigtas ng isang masamang isda ang taling sumuspindi sa blokeng bato. Ang bato ay ang siyang pinatungan ng 4 na glass slides para rito sa artipisyal na sabstratum kumapit ang mga periphyton.

No comments: